1ST ONE - 14.

11 2 0
                                    

1ST ONE - 14.

"Annyeong," sabi ni Jia. "May we rent some of your bikes?"

"I only have five bikes left. Some students rented many bikes for their trip, so only five left unrented. How many are with you, Jia?" Mula sa labas ng bahay ni Raemi ay dumiretso siya sa bakuran, at naroon ang limang bisikleta: tatlong kulay asul at dalawang kulay pula. Isang bisikleta lamang ang mayroong basket.

"We're all ten." Ang mga bisikleta na iyon ay pangdalawahan. Sakto na iyon para sa kanilang sampu.

"Oh, really?" masayang reaksyon ni Raemi. "It's perfect. Will you rent it for how many hours?"

"May we rent the bikes for the whole day?"

"Oh, sure!"

"Really? I'll use mine and Minje's credits."

"Minje's credits? He allowed you to use his?"

"Yeah. I told him I'll go here to rent some of your bikes So he said I'll use his credits. He's gone with his bike minutes ago."

"Ah, okay. You can now bring the bikes. 06:00 by evening is okay, right?"

"Yeah, it's long hours already. Thanks!"

"No problem. Gotta be inside."

"Okay, by partners tayo." Nilingon ni Jia ang mga kaibigan.

"Sakay na Jia," sabi ni Ace habang pinapatunog ang bell ng bisikleta. Iyon ang may basket. Nasa loob ng basket ang backpack niya.

"Hmm!" Kaagad na umangkas si Jia sa bike. Napakapit siya sa damit ni Ace.

Wala iyong hawakan o ano man na maaring kapitan. Isang maling galaw o kung bigla-bigla mang titigil ang bike ay mahuhulog si Jia.

Kinuha ni Ace ang mga kamay ng dalaga at inilagay iyon paikot sa kaniyang bewang. "Secure. Ayaw kong mahulog ka. Kapit nang maigi."

"Oo naman. Hindi ako mahuhulog. Lalo na't nandiyan ka."

"Good girl."

"Dito tayo Yhena," sabi ni Alpha sabay sakay sa bisikleta na kulay asul. May hawakan iyon sa gitna kaya doon kumapit si Yhena pagkaangkas sa likuran.

"Amin 'yung isang blue," sabi ni Marina. Kaagad na silang sumakay ni Max at mabilis na nakaalis.

"'Oy may lakad kayo!?" sigaw ni J at kaagad na sumakay sa pulang bike. "Tara Joker, habulin natin sila!"

"Tara!" Pagkaangkas ni Joker ay mabilis na pinaandar ni J ang bike.

"Sundan natin," sabi ni Jayson at kinuha ang natitirang bike. "Sakay na."

"Bilisan mo, ah?" sabi ni Gift at kaagad na umangkas.

"Oo eto na. Hintayin niyo kami!"

Nagkaroon ng karera paikot sa Riverside. Sa sobrang bilis na pagpapaandar ni Alpha sa bisikleta ay napapayakap na si Yhena sa kaniya. Ganoon na rin si Marina kay Max na hindi nagpapahuli sa karera.

At sina Jia at Ace? Ayun at chill na chill lang kahit na mabilis ang pagpapatakbo sa bike.

"Wala namang finish line e," mayamaya'y sabi ni Alpha. "Bye bye! Maglilibot muna kami ni Yhena! Salamat Jia!"

"Ay teka! Didiretso pa tayo sa hangout namin!" sigaw ni Jia.

"Mamaya na 'yon!" sigaw ulit ni Alpha at kumaway si Yhena bago tuluyang nawala sa daan ang bisikleta nila. Lumiko sila pakanan, at papunta iyon sa beach side.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now