Author's Note: Hi Guys. Sa lahat ng makakabasa ng kwentong 'to. Nais ko lang sabihin muna sa inyo na wala akong free medicine kung sumakit man ang tiyan nyo sa kakatawa. Wala rin akong maibibigay ng panyo kung maiiyak kayo sa eksena. At mas lalong wala akong maibibigay na Sorry kapag magsisi kayo dahil sinayang nyo oras nyo sa pagbabasa nito. PS din, wala akong talino, kaya wag kayong magtataka kapag makakatagpo kayo ng mga maling grammar o maling spelling sa kwento. Ang maipagmamayabang ko lang ay isa akong masipag dahil sinulat ko pa rin ito kahit tamad ako. Salamat :))
Genre: /Humor/Romance/Teen Fiction/
|| P R O L O G U E ||
"Ang Crushlife Ni Ms. Sadako..."
Bakit ganyan?
Pati sa tittle ng kwento ng buhay ko Ms. Sadako pa rin ang pangalan ko?
Ano na lang ba ang silbi ng tunay kong pangalan kung ganyan kayo?
Ano na lang sa inyo ang pagkatao ko kung tingin nyo sa akin ay hamak na multo?
Si Sadako ay galing sa lumang balon tapos lumabas mula sa telebisyon. Yan ang totoong Sadako na nagmumulto.
Hindi yung Ako na galing sa cubicle tapos lumabas mula sa bowl. Bakit ang kitid din ng utak nyong mga schoolmates ko?
Kung makatawag kayo sa akin ng Ms. SADAKO parang kilala nyo ko?
Pangalan ko nga hindi nyo alam. Password ng facebook ko hindi nyo alam. Kulay ng panty ko hindi nyo alam. Madalas baliktad ang panty ko hindi nyo alam. Cellphone number ko hindi nyo alam. Mga paborito ko hindi nyo alam. Wala kayong alam!
Laman ng damdamin ko HINDI NYO ALAM...
Hindi nyo alam na iba ako magmahal.
Hindi nyo alam na iba ako masaktan.
Ako si Tanyalie Omni Kim pero mas kilala bilang Ms. SADAKO...
Kung CRUSHLIFE ko ang pag-uusapan... Wag na, kasi nakakalito baka maduling pa tayo.
Normal ang may crush lalo na sa edad kong 15 year old diba?
Nag-iisa lang ang crush ko. Pero patagal ng patagal naging dalawa, apat, anim, walo, labing dalwa. Sabi ko naman sa inyo nakakaduling eh. Madalas hindi ko na alam kung sino yung tinukoy kong "Nag-iisang crush ko"
May tao kasing... Akala ko sya na pero hindi pala.
Yung akala ko nakakabuti pero nakakasama pala.
Yung akala ko kaaway ko pero kakampi ko pala.
Yung akala ko nakakatakot pero nakakatuwa pala.
Yung akala ko manhid pero may pakiramdam pala.
Yung akala ko masaya sya pero pilit na ngiti lang pala.
Yung akala ko may pag-asa pero walang wala pala.
Yung akala ko kaldero pero tupperware pala.
Yung akala ko babae pero lalake pala.
Yung akala ko anghel pero demonyo pala...
At ang pinakamasaklap na akala ay yung akala ko CRUSHLIFE lang pero LOVELIFE na pala.
|| End Of Prologue ||
------|>>>
