Touring with BAP? Uh-oh.

1.2K 13 5
                                    

Patikim pa lang to. Will update soon. =)

"Liah naman eh... sige na!! Pupunta ka lang sa entertainment nila para sabihin na may sakit ako eh. Sige na naman. Ngayon na nga lang ako nagfe-favor, ire-reject mo pa." nakapout na pagmamaka-awa ni Janella kay Liah.

Pinipilit kasi ni Janella na pumunta si Liah sa TS Entertainment para sabihin sa manager ng BAP na may sakit si Janella at baka hindi na rin siya makasama sa pagtu-tour ng BAP sa iba't ibang bansa.

Si Janella kasi yung nakuha ng manager ng BAP para maging tutor ng BAP kapag nasa iba't ibang bansa. Magsisilbing taga-turo ng mga languages. si Janella Si Janella kasi ay nakakapagsalita ng iba't ibang languages.

Napabuntong hininga nalang si Liah  "Janella naman ehhhhh~ Alam mo naman na mahiyain ako tapos ako pa tong uutusan mo. Baliw lang?"

Hinampas naman ni Janella yung braso ni Liah  "Baliw lang ka diyan. Eh sino pa bang uutusan ko dito? Sino bang inaasahan ko? Diba ikaw lang? Isip isip din teh."

"Isip isip din? Ah sige, ganyanan pala ah. Sayang, papayag na sana ako eh."

Nanlaki yung mga mata ni Janella. "Bebe naman, di ka na mabiro. Syempre joke lang yun. Ikaw talaga, wag na tampururut. Pretty please?"

Nag make face naman si Liah  "Tse, nilambing mo lang ako para bawiin ko yung sinabi eh. No way. Bahala ka sa buhay mo."

"Bebelavs naman eh!!! Alam mo naman na mahal na mahal kita eh!!" sigaw ni Janella.

"Yakersssssssss. Nakaka-tibo ba talaga tong itsura ko? Pati bestfriend ko nainlab na saakin. Lord, bakit niyo po ba kasi ako biniyayaan ng ganitong ka extreme na kagandahan?"

Nagkunyaring nasusuka naman si Janella na nag-cause para tumawa si Liah  "Kadiri ka, Zel. Satingin mo papatulan kita? Ew no way. Mamaya ikaw ang ma-fall saakin eh."

"LUL" matipid na sagot naman ni Liah.

"Uyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy nawala na tayo sa topic. Dali na, Zel.... pupunta ka lang naman dun, kakausapin mo manager nila, tapos sasabihin mo na hindi ako matutuloy para sa magiging tour ng BAP bukas." 

Napa face palm naman si Liah. "Sinabing mahiyain ako eh. Nella naman, pwede bang tawagan o' i text mo nalang yang manager nila? Bakit kailangan mo pa akong pilitin para pumunta dun? Isip isip din." sabay binelatan ni Liah si Janella.

Nag bad finger naman si Janella. "Hoy wag kang gaya gaya, linya ko yan. Dali na. Bakit ba napaka mahiyain mo? Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh. Joke, kaya tignan mo, hiniwalayan ka ni---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Janella dahil dali daling tinakpan na ni Liah yung bibig niya.

"Wag mo na nga ipaalala yung lalakeng yun. Nakaka BV lang eh." 

Tumawa naman si Janella. "Usos, BV daw. Parang dati lang, bukang bibig mo yung lalakeng yun araw araw eh. Tapos sobra kung makaiyak nang nakitang may kabit. HAHAHA."

"Nako, manahimik ka na nga diyan kung hindi... di na talaga ako pupunta dun sa TS Entertainment." 

Napatayo bigla si Janella. "Pupunta ka naman pala eh. Pakipot ka pa. Now, OFF YOU GO!!" sigaw ni Janella kay Liah sabay tulak palabas.

"Arggghhhh!!!" sigaw ni Liah abang naglalakad. Pinagtabuyan kasi siya ni Janella. Eh eto naman si Janella, hindi man lang sinabi kung saan ba dito sa South Korea yung TS Entertainment. 

Kaya napag isipan ni Liah na tawagin yung ultra-mega-bap-addict niyang baliw na kaibigan na si Sayu. Isang british na half japanese. 

"Oh bakit ka napatawag, Princess Liah? Miss mo na ako, no?" napatawa nalang si Liah sa sinabi ni Sayu.

"Lokaret ka talaga. Diba labs na labs mo ang BAP? Diba BABY ka? So, that means, alam mo kung nasaan yung TS Entertainment? Right?" tanong ni Liah kay Sayu.

Biglang tumili si Sayu. "Oh my gahd, BABY ka na rin Liah ! Sa wakas, may makakasama na akong ka fangirl sa BAP. Oh em gee, let's meet up. NGAYON NA!!!"

Napakamot si Liah sa batok niya. "Hindi. Tinatanong ko kasi pupuntahan ko. Alam mo ba kung nasaan? Kasi kung oo, samahan mo nga ako."

.... 

....

Long pause

....

....

"At ano naman ang gagawin mo dun sa Entertainment ng mga bebelavs ko ha, ABER?" mataray na tanong ni Sayu kay Liah.

"Wag kang magalala, hinding hindi ko aagawin yang mga bebelavs mo. Diba nga naikwento ko sayo na si Janella eh tutor ng BAP? Eh ngayon, may sakit si Janella, kaya pinapapunta ako ni Janella sa TS Entertainment para puntahan yung manager ng BAP at sabihin na hindi na matutuloy na makasama si Janella sa tour ng BAP." page-explain naman ni Liah.

"Pupuntahan mo yung daddy manager ng mga bebe ko?!! OMG SAMA AKO GURL!!" sigaw ni Sayu kay Liah. Si Liah naman ay naiirita na sa sobrang tining na boses ng kaibigan niya.

"Isasama kita kung alam ko kung nasaan." sagot naman ni Liah.

"Oo naman. Paanong hindi ko malalaman? Jusko, I've done a lot of things just for my bebelavs. Nako, kung alam mo lang talaga tong fangirl side ko..." 

"Blah blah blah, nandito ako sa may labas ng apartment ko. Punta ka nalang dito. Bye-bye." at tuluyan na ngang binabaan ni Liah si Sayu.

Naghihintay na sa may lobby sila Sayu at Liah  Mga 30 minutes na sila naghihintay dun sa Manager ng BAP. 

"Bakit ang tagal ni daddy manager?" tanong ni Sayu. Hindi nalang sumagot si Liah.

After a few more minutes, nakita na nila Sayu at Liah na naglalakad ang BAP. Bihis na bihis silang lahat at may mga iba pa silang kasama.

May lumapit na lalake kila Sayu at Liah. 

"Hindi ikaw si Janella ah?" sabi nung lalake habang nakatingin kay Liah. Mukang Manager ata ng BAP yun.

"Hindi nga po. Ako po si Liah, may sakit po si Janella kaya pinadala po niya ako---" hindi na natapos ang sinasabi ni Liah dahil bigla nalang siyang hinila nung Manager ng BAP.

"As a replacement? Good. At sino yang kasama mo?" tanong ng Manager kay Liah.

"Ako po si Sayu. Kasama rin po ako sa replacement na pinadala ni Janella!" masiglang sigaw ni Sayu sa Manager ng BAP.

Nanlaki ang dalawang mga mata ni Liah. "P-po?! Hindi po kami re----" 

"Na move na ang schedule. Ngayon ang flight ng BAP. You'll be in the van of BAP. Nagkulang kasi tayo ng van eh. Sorry about that." 

At sa sinabing yun ni Manager, mas nanlaki yung mga mata ni Liah at mas lumaki yung mga ngiti ni Sayu.

"Hindi nga po kami re--------" hindi na naman natapos yung sasabihin ni Liah dahil nagsalita na naman yung Manager ng BAP.

"BAP, come here. Lead this two to your vans. They're your tutors. Take good care of them, Arasso?" sabi ni Manager at tuluyan na nga siyang umalis.

"Oh my god....." bulong ni Liah sa sarili niya nang nakita niya na palapit yung BAP members sakanila ni Sayu.

Author's Note:

-Hiiii. HAHAHAHA. Binitin ko muna. So, should I continue or not? =D Vote and comment please. ^^ =)))) 

Touring with BAP?Where stories live. Discover now