Chapter 21

5.1K 530 202
                                    

"Bakit ganyan ka tumingin?" Natatawang tanong sa akin ni West. Hindi ko maiwasang mapaismid kahit nakakaramdam pa rin ako ng hiya.

Ever since na bumalik sila sa school ni East, hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Hindi naman din kasi ako makahanap ng timing, lagi kaming may kasama. Siyempre si Valeen din, gusto niya palaging magkausap din sila kaya todo kwento iyon kahit na lagi siyang nahihila ni Jo dahil gusto no'ng isa kausapin din siya ng best friend ko. Ako naman madalas nakikinig lang at nag-o-observe.

Ang isa talaga sa gusto ko sa best friend ko, kahit kasama namin crush niya, hindi niya hinahayaan na ma-out of place ako. Tsaka ever since na naging kaibigan namin sina West ay mas naging lively na ang lahat, mas maraming kwentuhan at tawanan, plus yung mga future plans with them.

"Ella?"

Napatingin ako sa kanya at nawala sa isip na hindi pa pala ako sumasagot. Tumikhim ako at iminuwestra sa kanya yung kabuoan ng lugar na kinalalagyan namin. "Hindi mo sinabi na sa inyo 'tong The Hansen."

Naalala ko pa rin yung reaction niya that time nang mapansin ko yung name ng coffeeshop nito, akala ko talaga coincidence lang na same name kasi wala naman siyang sinasabing kahit ano, ayon pala...Jusko 'tong si West, pa-mysterious.

"Sorry na." Ngumiti siya. Wala, automatic naman akong naliyo sa ginawa niya kaya napatango na lang ako. Sakto namang dumating yung order namin na treat niya kahit ilang beses ko siyang pinilit na may share ako sa bill. Sayang lang binigay sa akin ni Mama na pera kung hindi niya ako paggagastusin. "Buti nakapunta ka today."

"Hindi naman kasi talaga ako lumalabas except na lang kung magm-mall o kaya pupunta kina Val kaya madali lang akong payagan nina Mama. Kilala ka na rin naman nila, eh." sabi ko.

"Hindi pa rin ako nakakapunta sa inyo," Ngumiti siya ulit bago iangat ang inumin. Pinanood ko lang kung paano siya uminom kasi wala rin naman akong ma-react o masabi. Ang elegant niya talaga tingnan, parang hindi naman siya highschool student kumilos, lalo na kapag ganitong hindi siya nakasuot ng uniform. Pagbaba niya ng baso ay diretso lang siyang nakatingin sa akin. "One of these days, let's go to your house."

"S-sige." Kinuha ko na rin yung baso ko at dahan-dahang uminom habang pasimpleng pinapasadahan ng tingin ang suot niya. Ang cute niya sa suot na jumper na denim and plain white na long sleeve shirt. Para siyang galing Pinterest. No wonder may ibang napapatingin sa kanya rito lalo na yung mga halos kasing-edaran lang namin. "Bakit mo pala ako in-invite ngayon?"

Humalumbaba siya sa harap ko. "Sabi ko sa'yo before, I'll tell you what happened, right? I have so much to tell, Ella."

Napatango na lang ako. "Ready naman akong makinig."

"Hindi ko nga lang alam kung paano magsisimula." She chuckled. "Let's start with why we're absent for three days."

Nakatingin lang ako sa kanya kasi hinihintay ko siyang magsimula. Kung titingnan si West, parang wala namang big deal na bagay sa kanya, she looked really relaxed. Parang walang problema sa buhay, pero kung seryoso yung nangyari sa kanila last time, then siguro magaling lang talaga siya mag-conceal ng emotions.

Sa totoo lang halos same sila sa aspect na 'yon ng kambal niya, kahit kasi si East no'ng makita ko, nakangiti pa rin siya as usual. Hyper pa rin, ginugulo pa rin palagi si Lucy na lately ay ngumingiti-ngiti na rin ng madalas. Siguro at ease na siya sa amin at sa dalawang Hansen, kaso parang ang putla na niya lalo madalas. Sana okay lang siya kung may problema man.

"Sinugod sa hospital si Ate South that time."

"Huh?" Parang kumabog naman ng malakas ang dibdib ko sa narinig. Hindi kami close ni South at tanda ko pa yung pag-i-ignore niya sa akin pero hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pag-aalala. "Bakit?"

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon