Bilang 22 - Huwag Kang Bibitaw

21 10 0
                                    

HUWAG KANG BIBITAW

Hindi makahinga sa higpit ng pagkakagapos,
Kumakalampag na't hininga'y nangangapos,
Nangingisay ang katawan,
Hanggang ang buhay ay hindi na nakalaban.

Sa buhay na puno ng kalungkutan,
Mga salitang pilit ako'y sinasaktan,
Ang mahina kong pusong nakikinig,
Ay hindi nakaranas ng kahit anong pag-ibig.

Palaging nasisi kahit hindi nagkakamali,
Pagbubulyaw ang natatanggap palagi,
Napapagod na ako sa lahat,
Dahil parang ako sa inyo ay hindi sapat.

Gusto kong isigaw,
Ang katagang "huwag bumitaw,"
Ngunit pagod na pagod na ako,
Pagod na'kong umasa na matatapos ang kalungkutang ito.

Ang pagkalunod sa lungkot,
At mga araw na tila bangungot,
Ay hindi dapat ipasawalang bahala,
At tulungan silang makalaya.

Kaya sa inyo mga ginoo, binibini, magulang at mambabasa,
Tulungan, kausapin at mahalin ninyo sila,
Maging mapagmatyag sa binibitawang salita,
Dahil hindi niyo alam na baka isang araw katulad ko na lang sila na nakabulagta.

_

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now