K A L I Y A - I

2.6K 123 18
                                    

KABANATA 1

"Himala. Wala ka yatang kalampungan ngayon?" Si Ysa matapos niyang ilagay sa ibabaw ng mesa ang dala nitong tray.

Tang-ina. Masamang tiningnan ko ito dahil sa kamuntikan 'kong pagkasamid. "Kalampungan talaga?"

Ngumisi lang ang impakta.

Kunsabagay, marami naman talaga ang nanliligaw sa 'kin, sa ganda ko ba namang 'to. Tss. Marami na rin ang nagsasabing kamukhang-kamukha ko raw si Emma Watson– tang-ina. Sino ba 'yan? Hindi ko nga kilala 'yan. Pero 'di nga, marami talaga ang nanliligaw sa 'kin kaya kung anu-anong lumalabas sa bibig ng Ysa na 'to. Para namang ini-entertain ko ang mga siraulong 'yon. Sa lahat ba naman ng nangyari sa buhay ko. Aasa pa ba ako?

"Kasalanan mo 'yan," anito.

Takang nag-angat ako ng mukha. Nasabi ko ba 'yon? Sa halip, masamang tiningnan ko nalang ang kaibigan ko. Tama kayo ng pagkakarinig, kaibigan ko ang babaeng ito. Ewan ko ba kung paano at nakayanan 'kong pakisamahan to. Ang layu-layo ng ugali namin sa isa't-isa.

"Paanong naging kasalanan ko?" Naitanong ko.

"Siraulo ka kasi. Magmumura kana nga lang sa isang reyna pa!" Si Ysa na ikinaubo ko.

"Tang-ina mo!"

"Tang-ina mo rin!" Balik-sigaw nito matapos punasan ang mukha nitong nabugahan ko pala ng juice.

"Buti nga sayo. Ako pa talaga ang sinisisi mo? Kasalanan naman–"

"Oh, ayan! Kain ka muna kung anu-ano na namang lumalabas d'yan sa bunganga mo. Baka may makarinig pa sayo," anito na ikinairap ko matapos nitong salsalan ng burger ang bibig ko. Langya talagang babaeng 'to.

"Pero 'di nga. Hanggang ngayon ay naniniwala kapa rin sa mga ganyan?" Kapagkuwa'y naitanong 'ko. Ayoko na ngang maalala pa 'yon. Parte na 'yon ng nakaraan ko. Pero– tang-ina, pinaalala pa. Tuwang–tuwa pa ito kapag binabanggit niya ang... scratch. Ayoko na nga palang alalahanin pa ang mga walang kuwentang bagay.

"Sa mga nangyari sa Itay at sayo? Bakit hindi?" Sagot nito. Ang Itay na tinutukoy nito ay ang Itay ko. Malapit si Ysa kay Itay kaya ganoon na rin ang tawag niya rito. Wala namang problema sa 'kin 'yon dahil kapamilya rin naman ang turing namin sa isa't–isa.

Napabuntong–hininga ako.

"Hoy, Ysa. Tumigil kana nga d'yan! Pag-ako nainis sayo. Who you ka talaga sa 'kin," banta ko dito. Ayoko na kasing isipin 'yon. Pero pilit pa namang pinapaalala nitong buang na 'to. Nakakapang–init ng ulo.

Nagbigay–iling lamang ito.

"Alam mo, Lois. Kung hindi ka talaga naniniwala sa kanya." Pagbibigay diin pa nito sa huling salita. "Bakit ka ba naiinis at 'di napaghahalatang apektado ka sa tuwing pinag–uusapan natin siya?" Litong ika nito.

Napakurapkurap. Bumuka't–tikom ang bibig ko. Sa pagkakataong 'to ay ganoon na lamang ang kagustuhan 'kong sapukin ang kaharap. Ano ba ang pinupunto niya?

"Siya? Kung maka–siya ka parang kilala mo naman 'yong tao." Sa halip ay nasabi ko nalang.

"Kilala siya ng buong baryo ng San Martin– ay hindi lang pala kung 'di ng buong mamayan ng Isla El Dorado!" Pagmamayabang nitong ika.

"Tss." Napairap ako dahil may punto nga naman ang babaeng 'to. Pero– "Hindi lahat kilala siya." Ang islang tinutukoy nga pala nito ay ang islang pinagmulan ko at kung saan ako ipinanganak at lumaki. Kung nagtataka kayo kung paano kami nagkakilala ni Ysa o Ysabel na sa totoong pangalan nito. Noong nakapagtapos kasi ako ng kolehiyo ay nagpasya akong makipagsapalaran ako dito sa Maynila. Kaya simula noon ay naging magkaibigan kami hanggang sa sumama si Ysa noong bumalik ako sa islang pinagmulan ko. Birthday kasi noon ni Itay pero mga ilang taon na rin 'yon.

KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]Where stories live. Discover now