K A L I Y A - III

1.3K 112 10
                                    

- KABANATA 3 -



"Ate Lois! Hinahanap ka ni Inay! Gising na ho raw si Tiyo Cadio!"Tuwang-tuwang sinabi sa 'kin ng anak ni Aling Hilda. Mula sa loob ng kusina ay napalabas ako ng bahay.

"Talaga, Tanday?" Maski ako ay hindi mapigilan ang sarili na makaramdam ng ibayong saya. Thank you, Lord! Sa wakas ay naggising na rin ang Itay.

"Oo, Ate. Bilis dalian mo na't hinihintay kana rin nila!"Anito. Sukat sa narinig, mabilis ang mga kilos na sumunod ako rito at pumunta sa kabilang siti. Sumakay agad kami ng biseklita, marunong naman akong gumamit nito katunayan ay ginagamit ko ito sa tuwing pumupunta ako sa bayan para mamili. Nakaangkas naman ang sampung-taong gulang na babae sa 'king likuran. Hindi umabot ng sampong minuto ay nakarating na rin kami sa maliit na barung-barong ni Mang Gabon.

"Aloisa! Magmadali ka!" Salubong kaagad sa'kin ni Aling Hilda. Batid ang kasiyahan sa kanyang mga mata. May iilan rin akong nakikitang mga tao na naghihintay sa labas. Hindi ko alam kung bakit ang dami nila pero ayoko na munang isipin ang bagay na 'yon. Kailangan ko nang makita ang Itay.

"Tay!"Napasubsob ako ng yakap dito nang makita ko agad itong gising. "M-Mabuti ho't gising na ho kayo." Umiiyak 'kong ika dito.

"Magaling na rin ang Itay mo, Lois." Singit ni Aling Hilda na mas lalong ikinaiyak ko ng husto.

"Talaga ho?" Napaangat ang mukha 'ko rito. Napatango ito. Ipinakita pa niya sa 'kin kung paano't mag-isa na siyang nakakatayo't nakakalakad. Pansin ko rin ang paninigla nito't nakakapagtaka ay nagkalaman na rin ang mga braso't paa nito. Hindi mo talaga iisipin na galing ito sa malubhang sakit.

"Mabuti naman ho, Itay!" Tuwang-tuwa akong napayakap uli rito. Hindi rin lang din naman ako ang nakaramdam ng saya kung 'di makikita iyon sa mukha ng mga tao na naroroon. Mabait na tao si Itay kaya alam 'kong marami rin ang nangamba at natakot sa naging kondisyon nito.

Pero paano?

"Aloisa."

Bigla ay natigilan ako nang may magsalita sa 'king likuran. Si Mang Gabon pala, ang matandang manggagamot. Bigla akong nakaramdam ng hiya habang kaharap ito. Hindi kasi maganda ang huling pagpunta ko rito at nakapagbitaw pa ako ng hindi kaaya-ayang salita. Katunayan, kilala si Mang Gabon bilang isang magaling na albularyo dito sa lugar namin. Hindi nga lang talaga ako naniniwala sa mga ganito pero base sa mga nakikita ko. Magaling na rin ang Itay. Siguro nga, tama sila. Hulog ng langit si Mang Gabon para sa'ming lahat. Dahil sa nakakapagpaggaling siya ng may sakit.

"P-Po?"Kinakabahan ako.

"Makinig ka, iha."

Napalunok ako nang mapansin ang pagseryoso ng mukha ng matandang manggagamot. Bakit pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa mga oras na 'to? Takang nailibot ko ang tingin sa paligid ko. Napakaseryoso ng mukha nila. Maging sila Aling Hilda at Itay.

"Aling Hilda anong..." Itatanong ko pa sana kung bakit nag-iba ang hilatsa ng mga mukha ng mga ito.

"Makinig kana muna, Lois," anito at hinawakan pa niya ang kamay ko. Maging si Itay ay pilit ang pagngiti na tumango ito.

Ano ba kasi 'yon? Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot sa mga oras na 'to. Damang-dama ko rin ang pag-iiba ng ihip-ng-hangin sa buong paligid. Nakakapangilabot. Parang may kakaiba sa loob ng bahay na 'to.

"Magandang araw para sa mamayan ng Isla El Dorado."

Napagitla. Gulat akong napabaling sa pinagmulan ng boses. Hinanap ng mga mata ko ito. Hindi pamilyar sa 'kin ang boses pero alam 'kong babae ang nagmamay-ari nun. Bukod kay Mang Gabon, Itay at sa asawa ni Aling Hilda ay wala na akong nakikitang ibang tao rito sa loob pwera na nga lang sa labas. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ko nang mapansin ang isa sa mga tao sa loob, particular sa matandang manggagamot. Bukod sa nakatirik nitong mga mata ay kitang-kita rin ng mga mata ko ang pagbuka't-tikom ng bibig nito.

KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]Where stories live. Discover now