K A L I Y A - II

1.4K 113 14
                                    

- KABANATA 2 -

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. May malubhang sakit si Itay. Paubos na rin ang perang inipon ko sa sobrang laki ng ginastos ko sa ospital pero hindi man lang gumagaling ang Itay.

"Maniwala ka, Lois. Gagaling ang Itay mo." Narinig 'kong sinabi ng kapatid ni Itay, si Aling Hilda. Katulad ko ay kanina pa siya umiiyak sa tabi ko.

Pahid ang basing mukha, napatingin ako sa loob ng barung-barong ni Mang Gabon na ngayo'y ginagamot kay Itay. May kung anu-anong uri ng halaman na nasa paligid nito. Gagawa raw ang matanda ng panlunas. Ngunit sinabi niya kanina na kailangan na muna namin na maghandog para sa isang tao– o tao nga ba ang pinaghingan ng tulong nito. Hindi ko siya kilala pero narinig ko na may pangalang binanggit si Mang Gabon kanina. Tang-ina. Saan ba ako maghahanap ng limang puting manok, isang dilaw na palaka at tatlong bukal na bulaklak?

Wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi nito. At isa pa, kailangan raw naming maghanda ng kaunting salo-salo para tuluyang mapagaling ang Itay. Bukod sa butas na ang pitaka ko ay ganoon na rin ang aking bulsa. 'San ako maghahanap ng pera?

Nakakatang-ina naman, oh.

Labag-sa-loob ko ang pagdala ni Aling Hilda at Tiyo Marino na asawa nito kay itay sa albularyong 'to. Ang kaunting pag-asa sa puso ko ay unti-unti na ring nauupos na animo'y kandila.

"Bukod sa panginoon ay tanging si Reyna Kaliya na lamang ang atinghuling pag-asa, Lois." Anang katabi ko. Tahimik naman akong napamura sa sinabi nito.

"Mas maniniwala pa ho ako sa Diyos Aling Hilda kaysa sa kung sinumang reynang 'yan!" Inis na napatayo ako. Katoliko ako at hindi ako basta-basta naniniwala sa mga sabi-sabi ng mga tao patungkol sa lugar na 'to.

"Aloisa!" Sabay-sabay na pagsigaw ng mga ito sa pangalan ko. "Kung gusto mong mabuhay at gumaling ang iyong Itay ay nararapat lamang na maniwala ka sa kanya at higit sa lahat ay magbigay galang ka sa kanya!" Pagsasalita ni Mang Gabon, ang tanyag na albularyo sa buong San Martin.

Hindi ako nakaimik bagkus ay nakaramdam nghiyang umalis na lamang sa harap ng mga ito.Nagpasya akong umuwi na muna sa bahay. Kami na lamang ni Itay sapagkat maagang kinuha sa amin si Inay. Bata pa lamang ako noon at halos hindi ko na matandaan kung ano ang sakit niya. Ang sabi sa 'kin ni Itay ay mahina raw ang puso nito at iyon ang kanyang ikinamatay.

Dinala ako ng mga paa ko sa tabing-dagat. Malapit lang naman ang bahay namin sa dalampasigan. Ewan, pero galit ang namayani sa puso ko ng mga sandaling ito. Pinanghinaan na rin ako ng loob. Natatakot ako sa kung ano ang mangyayari. Paano kung pati ang Itay ay kunin na rin sa 'kin ng paninoon? Hindi ko yata makakaya pa. Kung totoo mang makakatulong ang reynang binabanggit ni Mang Gabon ay bakit kailangan niya pa akong pahirapan pa?

"Tang-ina mo, Kaliya! Kung totoo ka man. Pagalingin mo ang Itay dahil... dahil kung hindi ay isusumpa talaga kita!" Kuyom ang mga kamaong pagsigaw ko sa malawak na karagatan.

"Miss, bumaba na ho kayo. Nasa Isla El Dorado na ho tayo." Pukaw sa 'kin ng konduktor.

"Okay po. Pasensya na ho, Manong." Nakatulog pala ako. Kaagad akong bumaba ng bus at saka may galak na inilibot ko ang buong tingin sa kapaligiran. Napakarami na palang pagbabago, may mga bagong establisyemento na ngayon ko lang din nakita, maski ang kalsada ay pinalawak na rin, maging ang terminal. Magkagayumpaman ay hindi pa rin nakakabawas ang pagbabagong ito sa natural na ganda ng buong kapaligiran. May mga punong kahoy pa rin at may mga man made park na rin. Ngunit dulot ng malakas na ulan at hindi maganda ang panahon kagabi, ay bakas ang nagkalat na mga kahoy at dahon.

KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon