Maling Akala

229 21 14
                                    

A/N: Nakita ko to when I was browsing the writing app that I wasn't using anymore. This was written years ago and I just edited it today. Natawa lang ako cause I can clearly remember what I was feeling that time when I decided to write this. Those days were hell and writing this was my way to lighten up my mood a bit. But glad I'm over it. I'm no longer that desperate, heartbroken girl I was years ago.
Thanks to this story for reminding me that I have been through that. Hindi na ako yong shongang ginago niya. 😂

**-**-**

Matinding pagpipigil talaga ang ginagawa ko ngayon para hindi ko magmura at masapak ang sarili ko. Halos sa harap ko na huminto ‘yong jeep eh, kaso dahil malabo ang mga mata ko ‘di ko kaagad nabasa kung sa’n ito papunta. Ayan, naunahan tuloy ako! Bakit kasi ang liit ng mga titik sa signboard ni Kuya Driver? Hay.

Mas mapapadali naman sana ang pagkilala sa mga jeep kung sa’n ito daraan dahil sa route no. na nakapaskil sa ibabaw ng jeep. Kung ikukumpara mo naman sa signboards, mas kita talaga ito at madaling mabasa. But the rules are kinda complicated when it comes to jeepneys going to Mandaue City.

Ganito kasi napapansin ko simula nang nalipat ako sa Cebu at nagkatrabaho sa Mandaue. 21B/20B ang route no. ng dumadaan sa Parkmall kaso minsan pag tinatanong mo ‘yong driver, pa-Maguikay daw sila. Tapos ‘yong 20A naman na dapat pa-Maguikay, minsan dadaan ng Parkmall. Kaya imbes na nakatuon ang pansin ko sa route no., sa signboard nalang ako nagbabasa.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, frustrated lang talaga ako.

I waited a few agonizing minutes before I finally saw some shed of light. May naaninagan akong jeep na parating. I even crossed my fingers, hoping na ito na ang hinihintay kong masasakyan.

Out of habit, lumingon ako sa aking likuran. I tend to do this just to check and count kung ilan ang makakalaban ko sa pagsakay. Siyempre, kailangan kong i-compute kung gano kabilis at sa’n ako dapat pumwesto para mauna ako sa jeep in case na punuan na ito. Mahirap nang mag sit in the air sa liit na espasyo maiiwan para sa’yo no.

So, I looked back, scanned the area, and I saw a familiar build just a few centimeters from me. Nakatungo ito habang kinakalikot ang kanyang phone. Nakakasaksak ang earbuds sa tenga nito at tila sumasabay sa kantang pinapatugtog.
I felt a sudden rush of panic and the word “shit” barely escaped my mouth. After realizing who he was, I immediately turned my head to the front. 

Bwiset, pagminalas ka nga naman.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa jeep. It was approaching already. I tried to read its signboard as it was coming near but it was too fast. Way too fast! Argh!

Huminto ito a few meters away me. At dahil nagsitakbuhan na ‘yong mga tao na kanina na rin naghihintay, sumakay na rin ako sa jeep assuming it was going to Parkmall.

Nang maupo na ako sa likuran nang driver, out of habit again… I looked back sa pwestong hinintayan ko kanina. And I regretted it after a split second. Even with the distance that we had, our eyes met. I can see the confusion written all over his face and it took me five more seconds before I looked away.

Nakagat ko ang aking labi as I try to control myself. Hindi siya sumakay? Ibig sabihin, mali tong sinakyan kong jeep. Damn Yya!

Hindi pa naman umaalis si Kuya Driver at pwedeng-pwede pa akong bumaba. Kaso nakakahiya. Nakakahiya ‘don sa mga nakasabay kong sumakay kasi mukha pa akong sure na sure nang sumakay ako tas biglang baba kasi mali pa. Nakakahiya rin ‘don sa mga taong nandoon sa hintayan… ano iisipin nila? Sumakay lang ako nang di binabasa ‘yong signage? Magmumukha akong tanga lalo eh.

As I was contemplating on what to do next, kung paiiralin ko ba pride ko o bababa nalang, napatingala nalang ako mula sa pagkakayuko nang may umupo sa tapat ko.

Maling Akala (One Shot Story)Where stories live. Discover now