K A L I Y A - IV

1.2K 109 17
                                    

- KABANATA 4 -

"Tay, ayoko!" Pilit ko pa ring pagtanggi matapos ipaliwanag ni Mang Gabon ang nais ng reyna na 'yon. Sinalakay ng matinding takot, kaba ang puso ko.Naguguluhan ako, hindi ko maintindihan kung bakit? Baka mali lang ang pagkakaintdi ng mga ito. Maski ako ay hindi ko ma-gets 'yon.

"Iha, Alam naming mahirap para sa 'yo ang bagay na ito. Ngunit nasa iyong mga kamay ang kaluwalhatiang matatamasa ng Isla El Dorado," anang matanda. Napailing ako. Hindi pa rin nagsisink sa utak ang lahat. Ano 'yon? Ako ang magdudusa kapalit ng kaluwalhatiang sinasabi ng mga ito?

Pwede namang iba, bakit 'yon pa?

Gagawin ko lahat ng kung anong gusto nito basta 'wag lang 'yon! Siraulo ba siya? Hindi ba niya ba alam na kagaya niya ay babae rin ako?

"Aling Hilda, hindi ko ho matatanggap 'to. Ayoko!" Pagpupumilit ko. Hindi ako pumapayag sa anumang gustong mangyari ng reynang 'yon.

"Lois.Pag-iisipan mo sana ang bagay na to.Pinagaling niya ang iyong Itay 'wag naman sanang bawiin at ibalik ng mahal na reyna ang malubhang sa 'kin ni Cadio lang sa tumanggi ka, iha." Naririnig ko ang pagsasalita ni Tiyo Marino. Sukat at napatigil ako't napabaling ang mga tingin sa 'king ama. Takot. Iyon ang namayani sa puso ko habang paulit-ulit na bumabalik sa 'kin ang mga salitang binitawan nito.

~~~*~~~

"Are you sure we're heading the right way?"

Napatuol ang malalim 'kong pag-iisip narinig 'ko ang pagsasalita ng katabi ko.

Si Debbie. Nagpumilit itong sumama sa 'in ngayon papuntang San Ereño, ayon na rin sa sinabi ni Mang Gabon kung saan pwede 'kong mahanap ang tatlong puno ng batilis.

Napailing ako.

"Hindi ko alam," maikling sagot ko.

Katunayan, bago na sa 'king paningin lahat ng mga nakikita ko. Matagal na rin kasi nung huling nakapunta ako rito, high school pa lang ako noon. Malayo-layo na rin ito sa baryo namin.

"I'm sorry. Hindi tuloy kita matutulungan. I'm not familiar in this place too."

Napailing ako.

"Deb. This is too much. Kaya 'wag kang mong sabihin 'yan." Malaking tulong na itong pagsama niya sa 'kin lalo na't sasakyan niya ang ginagamit na 'min.

Napangiti ito at saglit lang na sumulyap sa gawi ko't muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Siya na rin ang nagmamaneho ng sasakyan nito.

"Why are you doing this?" Kapagkuwa'y naitanong ko. We're not even friends para gawin niya ang bagay na 'to.

"I'm doing this for..." Napatigil ito. "I want to help you."

"Bakit?" Nalilito pa rin ako sa biglaang pagiging mabait nito. I mean, sanay na kami kung gaano siya kainis sa 'kin noong mga koliheyo pa lamang kami. "I already told you the reason five years ago, Lois."

Napakunot-noo ako. Five years ago?

Ano 'yon?

Bakit wala naman akong matandaan?

"Sa pagkakatanda ko ay sobra–sobra ang pagkainis mo sa 'kin five years ago." Pagpapaalala ko. Napabuntong-hininga ito at kitang-kita ko kung paano naikuyom nito ang mga kamay na nakahawak sa manibela.

"I'm sorry." Tila may nakabikig sa lalamunan nitong sabi. "I..." Napatikhim ito. "That's not what I meant to say. Pero 'wag mo nalang munang isipin 'yon."

"No, Deb. Ano ba kasi 'yon?" Pagpupumilit ko dito.

"Hindi mo ba naalaala? We talked that night bago ang pag-alis mo," anito na ikinakunot muli ng aking noo. Pilit hinahagilap sa 'king isipan ang mga nangyari noong araw bago ako lumuwas pa-Maynila. Naalala ko lang ay nag-inoman kami ng mga kaibigan ko. "I you're you were drunk. Sayang naman." May lungkot at panghihinayang nitong turan.

KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]Where stories live. Discover now