K A L I Y A - V

1.2K 111 13
                                    

- KABANATA 5 -





"S-Sino ka?" Muntik na akong atakihin sa puso nang bigla na lamang itong lumilitaw sa 'king harapan. Bukod sa kakaiba ang kasuotan nito ay nakatago rin ang kanyang mukha. Sinalakay ng kaba at takot ang puso ko.

"Ako'y isang dakilang mensahero ng Kaharian ng Kamarilawa. Isang ulat ang aking hatid. Bago ang pagsilang ng bukang-liwayway, isang malaking biyaya ang handog ng Mahal na Reyna Kaliya. Iparating mo ito sa buong baryo ng San Martin bago pa man ang paglubog ng araw," anito. Hindi pa man ako nakapagsalita ay sa isang kisapmata ko lang ay dagling naglaho na tila bula sa aking paningin.

Tang-ina.

Minamaligno ba ako?!

Napakusot pa ako ng mga mata at muling inilibot ang tingin sa buong kapaligiran. Ngunit maski anino nito ay wala na akong nakita pa.

"Tay!" Kabado akong hinanap ito. Naguguluhan man ay nakuha ko pa ring ikuwento kay Itay ang mga iyon. Ayokong maniwala pero gaya nga ng mga narinig ko, ikinuwento ko iyon sa kanya. Kinaumagahan. Naggising na lamang ako na tila may nagkakasiyahan sa labas ng aming bahay. Pupungas na bumangon ako at tiningnan ang mga ito.

"Oy, Lois! Cadio! Gising na ang anak mo!" Pagsigaw ni Mang Narciso. Kagaya ni itay, hamak na pangingisda lamang ang ikinabubuhay nito. Pansin ko rin ang mga matang nakatutok sa direksyon ko. Bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Pero bakit?

"Tay. Ano hong meron?" Tanong ko dito nang lapitan niya ako. Masaya at buong pagmamalaki nitong pinatong ang isang kamay sa ulo ko.

"Anak, labis ang kasiyahan ng ating kabaryo sapagkat napakalaking biyaya ang ating natanggap sa araw na ito." Sukat sa sinabi nito, dinala ako ni Itay sa tabing-dagat kung saan mahigit dalawampung bangka ang nakikita 'kong nakadaong.

"Maraming salamat, Aloisa! Pinagpala ka ng maykapal at Mahal na Reyna Kaliya. Buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakahuli ng ganito karaming isda!" ika sa'kin ng isa sa mga mangingisdang naroroon. Gayun na rin ang ibang mga kasamahan nito. At tama nga ito sapagkita kitang-kita ng mga mata ko kung gaano punong-puno ng isda ang mga balde na nasa harapan ko.

Maang na napatingin lamang ako sa mga ito.

"Miss, kilala nyo ho? Kanina pa kasi 'yan dito. Mukhang kayo ho talaga ang hinihintay. Ayaw naman sumama sa 'min ni kumain o uminom ay hindi siya tumatanggap. Iuwi nyo na. Medyo nakakaabala na rin kasi kanina pa kami nagbabantay dito. Kanina pa ho siya pinagkakaguluhan ng mga tao dito," anang tanod na lumapit sa 'kin.

Ngunit wala sa mga sinasabi nito ang atensyon ko. Hindi ko iyon lubos na naiintindihan. Masyadong magulo ang utak ko sa mga oras na 'to. Maging ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagguguluhan ako. Bakit ganito na lamang kung tumibok ito? Sa pagkakaalam ko ay normal naman ang puso ko, kagabi lang talaga 'to nagsimula mula nung mahulog ako sa bangka.

"Mahal ko. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay," anang babae sa 'king harapan at nagpabalik ng ulirat ko. Dahan-dahang umangat ang mga tingin ko't muli ko na namang nakita ang mukhang 'yon. Napatanga pa ako't napipilan. Imposible. Kahit makailang ulit ko pa sigurong kusotin ang mga mata ko ay hindi pa rin magbabago sa 'king paningin ang nasa aking harapan.

"Ay, tibo pala ang mga yan!"

"Sayang ang ganda pero mga salot pala sa lipunan!" Kaagad na umugong ang pagbulong-bulongan sa 'king paligid. Hindi ko matiis o maintindihan pero nakaramdam ako ng inis sa mga narinig ko. Ngunit tama sila. Napakaganda nga ng babaeng 'to. Pero ano raw?

KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]Where stories live. Discover now