1:Where's aliana!?

30 6 4
                                    

may magkasintahang tunay na nagmamahalan si aliana at bryan malapit na silang ikasal ng matanggap ni aliana ang sulat na ipinadala sa kanila na kanyang inaplayan sya ay isang room attendant sa araw din na iyon sya pupunta sa manila para makapagsimula ng magtrabaho

masaya ang magkasintahan dahil pangarap nilang makapunta sa manila dahil kahit isang beses ay hindi pa sila nakakapunta roon

"sa wakas ay makakapunta ka narin sa manila mahal ko huwag mong pabayaan ang iyong sarili doon"sambit ni bryan kay aliana

"hindi ko pababayaan ang aking sarili mahal ko hintayin mo ako sa pagbabalik ko pagkatapos ng pitong buwan ay makakauwi na rin ako at itutuloy na natin ang ating pagpapakasal" sabi naman ni aliana

nagsimulang ng magimpake si aliana upang maaga syang makapunta sa manila pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin sya hinatid ni bryan ang kasintahan sa bayan upang roon na sumakay ng bus na kanyang sasakyan

bago umalis si aliana ay binigyan muna ni bryan ng isang halik, yakap na mahigpit at ngiting matamis si aliana bago ito sumakay sa sasakyan pag kaalis ng sasakyan ni aliana ay namili muna si bryan sa bayan ng kanyang makakain sa maghapon pagkauwi nya ay nakaramdam sya ng pangungulila sa kanyang asawa





......makalipas ang pitong buwan

tapos na ng pangakong panahon ni aliana at makakauwi na sya ngunit ilang araw na hindi pa rin dumarating si alian kaya nag pasya si bryan na sundan ang kasintahan..

nang makarating si bryan sa manila ay nagtanong tanong sya kung saan ang hotel na nakasulat sa papel na dala nya ng marating nya ang hotel na pinagtatrabahohan ni aliana ay tinanong nya sa mga nagtatrabaho kung kilala nila si aliana

may nakita syang isang lalakeng staff ng hotel kayat lumapit sya rito at nagtanong"excuse me sir alam mo ba ang taong ito" turo nya sa litrato ng mapàpangasawa nya tinignan ng lalakeng iyon ang litrato at nagulat sya na si aliana ang naroon

"ahh si aliana ba? ang hinahanap mo?"tanong sa kanya ng lalake tumango sya at tinanong kung nasan na ang kasintahan nya "pasensya kana dahil hindi ko na alam kung nasaan na si aliana ngayon dahil dalawang buwan palamang syang nagtatrabaho dto ay umalis na sya agad at yun lang ang alam ko pasensya kana!" kwento sa kanya ng kausap nya

nagpasalamat nalamang sya sa kanya at umalis na sa hotel na iyon 'aliana nasaan kana ba!?' maluha luhang tanong nya sa isip nya at pinapatuloy ang paghahanap sa kanyang kasintahan....



pagkaalis ni bryan sa hotel ay napangiwi ang lalakeng nakausap nya 'matagal ng wala dito ang iyong kasintahan at matagal narin syang wala ng buhay...' sabi nya sa isip nya

kung pinagbigyan nya lang sana ako sa gusto kong mangyari edi sana buhay at masaya pa sya ngayon...isang halik lang ang kailangan ko ngunit umayaw kapa.. kaya ayan ang parusa mo sa pagtanggi mo.....












~~The End~~










by: Charlene Gregorio🙃
12/16/20


One Shot StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora