UNCHAINED HIS HEART

50 3 17
                                    

   Masaya akong naglalakad lakad papunta sa paborito kong parke ng may makita akong lalaking nakaupo sa ilalim ng puno at parang nag eemote.

Dahil mabait ako nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya.

"Hi kuya! Ba't mag isa ka dito?" Pagtatanong ko sabay lumingon sa kanya, pero ang kuya hindi manlang lumingon sakin at todo pa din sa pag eemote. At dahil medyo makulit ako kinalabit ko sya ng kinalabit.

Napangiti naman ako ng malaki ng makita kong lumingon sya sakin. Ang kanyang maamo ngunit blangkong expression, ay nagpapakita ng napakadaming problema.

"Alam mo kuya, kung ano man yang problema mo. Malalagpasan mo yan. Tiwala lang. Kung problema sa pag-ibig yan naku madali lang yan, dadating din si ate ghorl na babagay sayo kaya hintayin mo nalang sya. Kung about naman sa pera yan for sure ako do-doble ang kikitain mo ngayon." Mahabang sabi ko sa kanya, pero ni hindi manlang nagsalita si kuya. Pipi ata to eh.

Dahil medyo nainis ako tumayo na ako at pinagpagan yung pwetan ko. Sabay tumingin sa langit.

"Everything will be fine kuya. Trust me." I said before leaving him.

~~~~~~~~~~

 
  "Alexis iha! Inumin mo na itong gamot mo at ng makapag pahinga ka na." Tawag sakin ni tita, kaya tumango naman ako at naglakad palapit sa kanya.

"Tita can i ask you? Hindi po ba kayo nagsasawang alagaan ako? You know since my mother left me, ikaw na po nag alaga sakin, kahit may sakit ako hindi nyo ko pinabayaan." Pagsasabi ko kay tita, ngumiti naman sya at hinaplos ng marahan yung buhok ko.

"Honestly alexis i'm tired. But of course for you, i'll do everything just to make you fine." Sabi ni tita sakin, kaya niyakap ko sya ng mahigpit.

"Thank you tita," sabi ko, tumango naman sya at inabot sakin yung gamot. Mabilis ko naman itong ininom at nagpaalam na kay tita na pupunta na akong kwarto at magpapahinga.

Pagpasok ko sa kwarto mabilis akong humiga at nakipag titigan sa kisame.

"Kamusta na kaya si kuya? Okay na kaya sya o hindi pa din? Hays." Bulong ko bago ako tuluyang makatulog.

~~~~~~~~

Eliel POV

 
   "Yow man! Lasing ka na naman, hanggang kailan ka ba magiging maayos ah, ilang buwan na kayong hiwalay ni Harmony, pwede bang mag move on ka naman." Sermon sakin ni Hudson, when he entered my room.

"Fuck Hudson! Yes, 4 freaking months na kaming hiwalay ni Harmony, but shit! The pain is still here, i can't move on. Akala ko kasi sya na, sya na yung babaeng dadalhin ko sa harap ng altar, pero hindi pala! Kasi akala ko lang yun, tangina!" Sigaw ko sabay hinagis yung bote ng alak na iniinom ko. At nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko.

Is it bad? I just love her, and i can give what she need, but why she left me? Why she choose my father than me?! Shit this fucking love!

"Man, just let her go. I know she's happy with your father. And you can't blame her, why she choose your father over you. Mayaman at makapangyarihan ang daddy mo, samantalang ikaw, nasa kalagitnaan palang. Fix yourself man, ipamukha mo sa tatay mo at kay harmony na kaya mo ding maabot yang tatay mo." Mahabang sabi sakin ni hudson, tinapik-tapik nya yung balikat ko at mabilis na tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.

~~~~~~

Alexis POV

    Nandito na naman ako sa favorite park ko nakaupo sa bench habang nakatingin sa langit.

Hanggang kailan ko kaya to masisilayan? Sa pagtanda ko ba makikita ko pa din to? Hays sobrang labo. Sa kondinsyon ko, malabong masilayan ko to pag tumanda ako. I have a disease called Coronary Artery Disease.This condition is usually caused by atherosclerosis. Atherosclerosis is the build-up of cholesterol and fatty deposits. Hindi ako mahilig sa fatty foods. Pero wala eh nasa lahi namin ito. Sa kasamaang palad sakin napasa. Then anytime pwede syang huminto ng walang pasabi, how ironic right? Pwede na pala akong mamatay kahit natutulog lang ako haha.

Unchained His Heart √ (One Shot)Where stories live. Discover now