K A L I Y A - VII

1.1K 101 9
                                    

- KABANATA 7 -


"I'm sorry, Lois. Babalik na akong US bukas. And I think, I'll stay there for good," di makatinging ika nito. Pakiwari ko ay naninikip ang dibdib ko sa mga oras na 'to.

"Ah, g-ganun ba." Pilit na ngumingiti ako dito. Tang-inang buhay to. Nakakagago! Sa halip na sabihin ko sa kanya ang mga iyon. Niyakap ako nito ng mahigpit. "M-Mag-iingat ka dun, hans." Animo'y may bikig sa 'king lalamunan nang sabihin ko ang mga salitang 'yon.

May lungkot ang mga matang napakalas ito. May kung ano sa mga mata nito na tila ba may gusto itong sabihin ngunit di niya magawa-gawa. Na para bang napippilitan lamang ito na hindi ko maintindihan sa klase ng pagkakatitig at pagkakayakap niya.

"You too."

May pait sa mga labing nagbigay ngiti ako at tuluyan na ngang kumalas mula sa kanyang mga bisig. Naguguluhan ako sa totoo lang. Hindi ko maintindihan ang sarili kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Sakit, lungkot at panghihinayang dahil akala ko...

"I... I have to go."Ang huling salitang narinig ko mula rito. Nagbigay tango ako dito. Mabuti pa nga. Nagsisimula na kasing manikip ang dibdib ko.

"What did I do to deserve such an exalted opportunity?! Waaahh! Pwede na akong mama–aray ko naman!"

"Tahimik. Kanina kapa." Parang tanga. Naririndi na ako sa lakas ng bunganga nito.

"Babe oh! Payag ka nun sinasaktan ako ng kutong lupang 'to?" Sumbong ni Marites sa jowa nito. Bago pa man makaangal ang isa, kaagad napatikom ang bibig nito matapos ko itong binigyan ng nakakamatay na tingin.

"Lika ka kasi dito, babe. Lumayo ka sa babaeng 'yan. Di na siya si Lois. Ang dating Lois hindi mapanakit, malambing at maganda 'yon," anito na ikinasama lalo ng mga tingin ko. "Kita mo na? Sinasapian ata ng masamang ispiritu 'yan!" Nahintakutan pa nitong sinabi.

Baliw.

Napailing na lamang ako at napaayos ang pagkakaupo. Sumasakit ulo sa mga baliw na 'to. "Gusto ko kasi rito. Baka alam mo na, mahawaan ako sa kagandahan nitong magandang dilag na katabi ko." Si Marites. As usual, parang timang pa rin na pinagmamasdan nito ang sinasabing katabi niya na katabi ko naman. Pinapagitnaan kasi naming ang sampid na 'to. Ewan, simula kanina nung dumating kami ay wala pa rin itong ipinagbago. Tahimik at tila ba walang pakialam sa mga taong nakapaligid nito. Pinagbigyan naman niya ang bubwit na 'yon maging ang ilan para kuhanan siya ng litrato. Pero ayon nga, nakapoker face lang ang gaga. Ngayon ko lang din nakilala kung sinong Nancy ang tinutukoy ng mga kaibigan ko. Totoo pala talaga. Kamukhang-kamukha niya ang Nancy na 'yon. Aakalain mong magkambal ang mga ito kung 'di lang sa magkaibang kulay ng mga mata nila. Mas matangkad rin itong katabi ko at may kapayatan ang pangangatawan. At kung papipiliin mas lamang talaga ng paligo 'tong sampid na 'to kesa sa sikat na 'yon. Pero hindi ibig-sabihing nagagandahan ako sa sampid na 'to, ah. Kinokompara ko lang sila dahil 'yon naman talaga ang napansin ko. Depensa ko agad sa 'king sarili.

Napapailing na napasandal ang ulo. Tang-ina. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko at kung bakit hindi pa rin bumabalik sa pagiging normal ang puso ko. 'Yong tipong para akong kinakapos sa paghinga at nakakasakal sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko. Bwiset e. Kasalanan to ng sampid na 'to. Simula nang dumating 'to kung anu-ano ng kababalaghan ang nangyayari sa katawan ko. Ayokong isipin na baka napapasailalim ako sa isang mahika na gawa nito.

Teka–

Could it be? Takang nagbaling ako ng tingin dito. Ngunit ganoon na lamang ang panlalakit ng mga mata ko nang makitang nakatitig rin pala ito. Sukat at nagkasalubong ang tingin namin. Puta! Pakiramdam ko, trumiple pa ata sa sobrang lakas at bilis ng pagkabog ng dibdib ko. Sa 'di malaman na dahilan ay hindi ko maalis-alis sa kanya ang mga mata ko. Halos makita ko na ang sariling repleksyon mula sa kulay asul nitong mga mata. Nakakalunod. Para akong nahihipnotismo. Hindi ako makagalaw o makakilos na ang tangin magagawa ko lang sa mga sandaling ito ay ang titigan ito. Mula sa mga mata, animo'y may kung anong puwersa ang humihila sa 'kin at unti-unting bumaba ang mga mata ko sa ilong nito hanggang sa dumako ito't tumigil sa mga labing iyon na tila ba nang iimbita.

KALIYA (Girl×Girl) (COMPLETED) [EDITED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora