Bilang 27 - Simbang Gabi

17 8 0
                                    

SIMBANG GABI

Simbang gabi na naman ulit,
Tayo'y mananalangin habang ang araw ay pipikit,
Malamig na simoy ng hangin ay mararamdaman,
Hahaplos at balat natin ang nais nitong dapuan.

Masayang kumukuti-kutitap ang mga ilaw,
Naaakit ang mga matang gustong tumanglaw,
Sa lumang simbahan,
Na sa tuwing pasko ay palaging 'kong pinupuntahan.

Dahil sa misang hindi ko makakalimutan,
Noong nagsimula na ang kantahan,
N

g ama namin sumasalangit ka,
Bigla akong nahalina.

'Nong mahawakan ko ang iyong mga kamay,
Nawala ang aking antok at biglang nabuhay,
Ang mga ilaw na tumatanglaw,
Ang ilaw na nakikita ko'y ikaw.

Sabay tayong umawit,
Habang nakatitig ako sa mukha mong nakapikit,
Tila musika sa aking pandinig,
Ang pagbigkas mo ng mga pantig.

Sa pagbitaw ng iyong mga kamay,
Doon ko nasilayan ang ngiti mong walang humpay,
Ang mukha mong napakaganda,
Na hindi maalis sa aking isipan hanggang sa matapos ang misa.

Nagbago na ang mga ilaw,
Na kumukutitap at natatanglaw,
Sa lumang simbahan,
Na ngayon ay akin ulit na papasukan.

Nagsimula ang pagkanta,
Ng ama namin sumasalangit ka,
Naramdaman ko ang pakiramdam ng mahalina-
Muli, dahil katabi na naman pala kita.

At magkahawak na naman ang ating mga kamay,
At sabay na naman tayong umawit ng walang humpay,
At hindi ka na nakapikit,
At nginingitian mo na ako ng marikit.

Nagbago man ang ilaw na natatanglaw,
Hinding-hindi mababagong ilaw ko'y ikaw,
Sa paskong kumukuti-kutitap,
Hindi ka sakin naging mailap.

Simbang gabi na naman ulit,
At sa ngayon ayoko ng pumikit,
Dahil nakita at nahawakan na naman kita,
Ngayong pasko ako ulit ay naging masaya.

_
1

21820

Ikaw, anong kwentong simbang gabi mo?

Nepenthe's || A Poetry Anthology Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu