GUSTO PA RIN KITA
Pinapaubaya na kita sa kanya,
Dahil nakikita ko sa iyong mga mata,
Na siya na ang nais mo,
Na siya na ang gugustuhin mong-Makasama at hindi ako-
Ang iyong minahal at gugustuhing mahalin,
At di gugustuhing makasama sa huli,
Tatanggapin ko na lamang na ako sa'tin ay lugi.Sa pagmamahalan nating dalawa,
Pagmamahalang ako na lang ang nakakadama,
Sa lugar na ako na lang ang nakatira,
Lugar na mahal pa natin ang isa't isa,Kahit na masakit,
Pipiliting pumikit,
Dahil ayokong makita kang masaya,
Ayokong makita ang ginagawa mo sakin noon ay ginagawa mo na sa iba,Ayokong iba na ang nagbibigay ng iyong mga ngiti,
Ayokong sa iba ka na ngumingiti,
Siguro'y nasanay na ako ang nginingitian mo,
At sasanayin ko ang sariling kong hindi madurog sa inyo.Kaya puso'y hinayaan ka,
Hinayaan kang ibigay sa iba,
Pinaubaya kita sa kanya,
Dahil ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko na.Ngunit..
Gusto parin Kita!
_
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology