00

9 3 0
                                    

Bored kong pinaiikot ikot ang hawak kong ballpen habang nagaantay ng susunod na prof namin for our next subject. Gusto kong lumabas ng Classroom kaso sobrang strikto ng mga officers.


"Jillian," hindi ko pinansin yung tumawag sa akin. "Pst! Jillian!" Bahala siya dyan sa buhay niya.


Patuloy lang siya sa pagtawag sa akin kaya naman naisipan kong kumuha ng earohones mula sa bag ko at isalpak yun sa tenga ko tutal ganon naman lagi kong ginagagawa 'twing bored ako.



Inis kong tinanggal ang earphones sa tenga ko ng may kumalabit sa akin. "Ano?!" Inis na tanong ko kay Faye, oo si Faye. Siya yung kanina pa tawag ng tawag sa akin, tsk.



"Pahiram ako ng ballpen mo, nawala kasi yung tinta ng ballpen ko." Saad ni Faye, binalingan ko siya bago pahiramin ng ballpen ko. Lagi nalang nawawalan ng ballpen itong babaitang to, ewan ko ba kung bakit. 



"Thanks!" Nakangiting saad niya at bumalik na sa upuan niya. Palihim akong umirap at sinandal ang likod ko sa desk, kakaumay. Ano kayang pwedeng gawin?


"Where is she?"



Lahat ng kaklase ko napabaling sa pintuan ng may pumasok na babae, parang may hinahanap, napangisi ako.


"Uy si Claire!"


"Bakit andito yan?"


"Diba taga A1 Class yan?"



Yun ang bulungan na naririnig ko, tiningnan ko si Claire na nasa pinto at nakakrus ang kamay sa dibdib, para siyang siga na may inaabangan. Tamang tama kasama niya pa ang minions niya, sila Faith at Riley. If you're wondering who is Claire, well siya lang naman ang Queen Bee dito sa school namin, bida bida den. Kaya nga maraming may ayaw sa kaniya, at isa na ako dun.


"Where is Jillian!" Claire's voice echo inside the Class, i stretch my shoulders. Nangangalay na ako. Tinuro naman ako ng mga kaklase ko, agad napunta sa akin ang atensyon ni Claire. I smirked and wave at Claire.


"You bitch!" Padabog siyang lumapit sa akin at akmang sasampalin ako ng maiwasan ko yun, mukhang mas lalo pa siyang naiinis. "Bakit mo nilalandi yung boyfriend ko?!"


Sarkastiko akong ngumiti, this is the fun I'm looking for. "Which one?" Mukhang mas lalo pa siyang naiinis at akmang sasampalin ako ng mahawakan ko ang kamay niya. Nakarinig din ako ng 'ooh' na sigawan.


"Why are you so violent? Akala ko ba mahinhin ka?" I smirked when i saw how nervous is visible in her eyes. Mas lalong lumakas ang sigawan at kantyawan.


"Y-you! I saw you flirting with my boyfriend!" Aniya.


"I didn't." I said firmly. "Yung boyfriend mo ang nanlalandi, hindi ako."


Totoo naman yun, yung boyfriend ni Claire na mukhang paa mismo yung nanlalandi sa akin, tsk. I tried my best to avoid her boyfriend pero talo pa nung boyfriend niya ang agila, laging nahahanap ako at nakabantay kung ano ang gagawin ko, ang creepy kaya.


"Liar!" sigaw niya at sinampal ako, aray! Di ako nakaiwas dun. My jaw clenched.


I stand up and looked at her using my 'resting-bitch' face. "Tama nga hinala ko, di ka maniniwala." Tch, porket boyfriend duh, muka namang paa! Nilabas ko ang phone ko na nasa bulsa lang ng palda ko at pumunta sa voice records.


"What are you doing?" Aniya at pinlay ko ang record ko.


"Pwede ba tigilan mo na ako, Jack!" Boses ko yun. "May girlfriend ka!"


Her Last Mission Where stories live. Discover now