"Paano ka hahanap ng mr.right mo Ali kung ganyan itsura mo?" Tanong ni Bryce "Oo nga." Sang-ayon nina Tin-tin at Sara "Guys naghahanap ako ng lalaki na tatanggapin ako ng buong puso kahit ganto ang itsura ko." Sabi ko "Hay nako bes, iba na mundo ngayon. Magaganda na ang pinipili." Ani ni Sara "So Sara sinasabi mo bang panget ako?" Tanong ko "Hindi naman ah. Tanggalin mo na kasi yang salamin mo at magsuot kana ng magagandang damit wag yung baduy. Kahit wag kanang mag makeup maganda naman ikaw kapag wala non." Paliwanag niya "Please Sara, ang gusto ko lang naman ay mahalin ako ng tapat hindi dahil sa panlabas na anyo dahil kung sino man ako." "Sigurado ka ba diyan? Paano kapag nasaktan ka?" Nag-aalalang tanong ni Bryce "Hindi yan." Ani ko