Love isn't as simple as how it seems. Hindi yan cycle na parang paulit ulit. Na pag nagmahal, masasaktan, magsasawa at masisira kalaunan. Kaakibat na ng pagmamahal ang sakit. Pero kahit na masakit, tuloy pa rin. Parang sa buhay, na maihahambing sa isang mahabang daan. Kahit na nakakapagod at para bang walang katapusan, darating ang panahon na may maabot kang isang parte. An intersection. Dahil may iba't ibang daan ng buhay tayong tinatahak. Minsan malubak, minsan parang bago at perpekto. At darating tayo sa punto na hindi mo na gugustuhing bumalik sa simula ng daan, dahil maaabot natin ang tagpuan. Isang parte na bigla nalang naging iisa ang daan ng dalawang tao. Hindi inaasahan pero nangyayari dahil itinadhana. Isa lang ang paniniwalaan ko. Sa oras na naging iisa ang daang tinatahak namin, hindi na ito muling mapaghihiwalay pa. HINDI NGA BA?