Mga komiks. Pang-uumit. Kapaskuhan. Sa wakas, makalipas ang tatlong linggo, nabisto na ni Alma ang may pakana sa pagkawala ng komiks at librong pambata sa kanyang pinapasukang aklatan. Naibalik na ang mga nawawala, at nagkukusang loob ang salarin na pagbayaran ang kasalanan. Pero bumaliktad ang sitwasyon nang mayroong alaalang pumukaw kay Alma nang malaman niya ang tinatagong lihim ng magnanakaw. Pinagbuklod sila ng mga pagkakataon at dinala sila ng mga paa sa mundong sila lang ang nakakaintindi. Ito ay kwento ng pag-ibig, pagpapatawad, at paglaya mula sa sariling tanikala.