"Ang kay Pedro ay kay Pedro, hindi pwede na maging kay Juan." Ito ang paniniwala at pinaninindigan ni PATRICK FORMALES. Isang binata na seryoso at tapat kung magmahal. Sa isang okasyon, hindi sinasadyang nagkita ang kanyang kasintahan na si ANGELICA FERRER at ang first love nitong si EZEKIEL ADRIANO. Sa muling pagsulpot ng binata sa buhay ng kanyang kasintahan, gagawin niya ang lahat huwag lang itong mawala kahit pa maging katawa-tawa siya sa harap ng mga kaibigan niyang mapang-asar. Magtagumpay kaya siyang mailayo ang dalaga sa karibal?