WARNING: RATED [SPG18] Isa sa mga pangarap ng kanyang mga magulang ay makita siyang humalili sa posisyon ng ama sa gobyerno at iyon ang pagiging Mayor. Kaya tumatak sa batang isip ni Marygrace Dumasis, na balang araw magiging mayor din siya ng kanilang bayan. Pero dahil sa isang aksidente ay nagbago ang takbo ng buhay ni Marygrace. Marami ang nagbago. Nawala sa kanya ang tatlong taong mahalaga sa buhay niya. She was broken. She was lifeless. Pero may dumating, nagpakilala sa kanya kung paano mangarap sa gitna ng kadiliman. Nabigyan na ng isa pang pagkakataon na tumayo at patuloy na mabuhay si Marygrace. Kaya tumakbo siya bilang mayor ng kanilang bayan upang tuparin ang pangarap ng mga yumaong mga magulang at wakasan din ang pagiging sakim sa kapangyarihan ng mga Del Guidici. Kalaban ang tingin ng pamilya Del Guidici sa pamilya Dumasis. Pero paano kung ang isang Dumasis ay mahulog ang loob sa isang Del Guidici? Can she fight her desires between her dreams and her love? Kaya ba niyang isakripisyo ang mithiin para sa taong bayan at piliin ang pag-ibig na bumabaliw sa kanya? How can she fight her desires when it is uncontrollable? Sabi nga nila, mapipigilan ang baha pero hindi ang pusong nagmamahal.