Pangarap ng bawat isa ang makapamuhay ng normal. Ang iba nangangarap ng mas higit pa. Ngunit s a hindi inaasahang pangyayari ay darating ang isang malaking dagok sa buhay ng mga estudyante sa Class 4-13th section ng Peril Academy. Isang trahedya ang naganap sa kalagitnaan ng byahe ng mga estudyante kasama ang kanilang guro patungong probinsya ng Quezon upang isagawa ang kanilang "Retreat" na karaniwang ginaganap bago magsitapos ang mga estudyante. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nawalan ng control ang bus na kanilang sinasakyan, matapos mabangga akala nila na ito na ang katapusan ng kanilang mga buhay NGUNIT HINDI PALA. Sa muling pagkakataon ay nabigyan ng pangalawang buhay ang mga estudyante ngunit nanaisin pa nilang namatay sa trahedya kesa makipaglaro kay kamatayan para sa kanilang buhay. THE ARENA IS NOW OPEN FOR CLASS 4-13TH SECTION. LET THE GAME BEGIN! The Games Instruction: Kada isang araw, dapat may isang mamamatay. Kada Laro may mabubuhay... may kukunan ng buhay. At sa kada dalawang araw na pahinga, Malaya kang gawin ang lahat upang mag-imbestiga at makahanap ng daan upang makaalis sa arena.