Ilaw na patay sindi, usok mula sa bibig na mapanghusga, malilikot na mata, malagkit na kamay, at gusot na pera. Dahil sa kahirapan ay kailangan niyang magbenta ng aliw. Alipin ng aliw, si Meyuki. Mamahaling sasakyan, magandang kasuotan, masarap na pagkain, maraming pera, at kapangyarihan. Anak ng isang mayamang negosyante na naghahanap ng babaeng mapapangasawa upang makuha ang mana mula sa mayamang pamilya, Si Tyko De Silva. Ngunit sa katauhan ni Meyuki, muling mauungkat ang nakaraang matagal ng ibinaon sa limot. Mukhang pinagtagpo nga sila, pero hindi tinadhana. X