Ang istoryang ito ay tungkol sa isang babaeng nagtataglay ng pusong bato. Minsan na ring naging mamon ang kanyang puso, anong nangyari? Ang iba may napala, siya wala. Nagtiwala, linoko. Nagmahal, sinaktan. Mula pagkabata niya, siya ang kumpulan ng tuksuhan. Don niya naisip, siguro nga isinilang siya para maging isang laruan. Dahil sa disaster na yun, nagbago ang ikot ng mundo. Naisip niya, it's about time na siya naman ang maglaro and she will make sure na siya ang mananalo. Hindi na siya masasaktan, at hindi na muling luluha pa. Ngunit, paano kung dumating ang isang araw na sumalungat ang kanyang puso sa kung ano ang idinidikta ng kanyang isip. Paano kung isang araw, dumating yung taong tama subalit wala na siyang kakayahan na muli pang magtiwala. Pakikinggan pa ba niya? O hahayaan na lang? Pabibigyan pa ba? O hindi na? Yan ating dapat abangan. Kung paano mababago ang lahat dahil sa tunay na pagmamahal.
46 parts