Kabutihan laban sa Kasamaan. Liwanag laban sa Kadiliman. Dalawang itinakdang maglaban ay kailangang magharap sa tinakdang oras at panahon. Iisa lang ang uuwing panalo at ang isa'y magdudusa sa pagkatalo pati na rin ang mga nilalang na kakampi nito. Ngunit paano kung ang dalawang iyon ay nagmahalan ng buong-buo? Iisa lang sa kasamaan at kabutihan ang dapat manalo at ito ang mamamayani sa buong mundo. Mananalo ba muli ang kabutihan o sa wakas ay maghahari na ang kasamaan? Ngunit magkakatotoo ba ang lahat ng ito kung may pagmamahal pa rin sa mga puso ng dalawang maglalaban at kung mahal pa rin nila ang isa't isa? Iyan ang atin aalamin dito sa Two Kingdoms --ONGOING--