Rial Monte is a successful business woman in her generation. Siya ang nag-iisang taga pagmana ng Monte Advertising Company. She has everything, money, just name it and of all the things that she treasure the most, it is her son. Yes, a son that she doesn"t even know who the father is, basta nagising na lang siya sa isang hospital na naka benda ang buong katawan at anim na buwang buntis malaki ang pasasalamat niya at hindi kinuha ang kanyang munting anghel sa kanya. Wondering why? because she has amnesia. Meet Alexander Monteverde isang matagumpay na arkitekto na naka base sa abroad. Siya ang may-ari ng Hacienda Monteverde na minana pa niya sa kanyang magulang at pinababantayan ito sa kanilang katiwala na mahigit 30 years ng nagtratrabaho sa pamilyang Monteverde. Siya ang tipong seryoso at istrikto sa lahat ng bagay pero hindi ito ang dating Alexander na palatawa at palakaibigan, nagbago ang lahat dahil sa isang pangyayari na hanggang libingan ay kanyang pagsisisihan. Ano kaya ang mangyayari pag nagtagpo ang dalawa? Matutugunan kaya ang pag-ibig na minsan ng sinuko ng babae ang pag-asa at makakamit na kaya ng lalaki ang kaligayahan na minsan ng pinagkait sa kanya. Paano ba uusbong ang PAG-IBIG kung ang isa't-isa ay wasak na? let's find out how fate and love works on its mysterious ways.