Sa mata ng mga tao swerte magkaroon ng boyfriend na artista kasi maibibigay lahat. Pero lahat ng mga akala nila ay mali. Oo masaya magkaroon ng boyfriend na artista pero mahirap kung ang boyfriend mo ay isa sa pinakasikat na artista sa industriya at kailangang itago ang relasyon niya dahil mayroon siyang ka love team? Ka love team nga ba? Mananatili ka pa ba sa sitwasyon o bibitaw at susuko kana dahil sawa ka na at hindi na maibigay kahit isang segundo ng kaniyang buhay sa iyo.