Kilalanin ang isang babaeng sinubok ng kalupitan ng trahedya. Isang babaeng gagawin ang lahat para lang makamit ang inaasam na hustisya. Subalit paano kaya kung sa kanyang pagsusumikap, darating ang pagkakataon na paglaruan naman siya ng tadhana? Mananatili kayang matigas ang kanyang puso kung sa isang iglap ay makilala niya ang lalaking babago sa takbo ng kanyang buhay? Uusbong pa kaya ang pag-ibig sa kanilang dalawa kahit na ang kanilang mga komplikadong mundo'y tila mga nag-uumpugang bato? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "I don't care about anyone or anything around me. Kontento na ako na palagi ko lang kasama ang mga libro ko, walang kaibigan o kasama. After all, I'm totally invisible to anyone. But ever since I've entered into this so-called world, my life started to change. Ang madilim kong mundo'y naging tila isang buwang nagliliwanag simula nang makikilala ko siya." - Her "Kahit na halos pareho ang takbo ng aming mga mundo, hindi ko pa ring maiwasang isipin na kahit kailan, pagtagpuin man kami ng tadhana, lilitaw at lilitaw pa rin ang katotohanang may malaking harang pa rin sa pagitan naming dalawa." - Him •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• "Sa gitna ng pagaagam-agam, liliwanag ang mundong puno ng kadiliman. Muling titibok ang pusong tumigil na binalot ng galit at pighati sa bawat halimuyak ng wagas na pag-ibig." [_A story written by LJ Snow_] (Cover illustration is not mine.)
17 parts