Arciana Lily Demiñez ang babaeng may pagka-childish pero mabait. Palangiti ito kahit nasasaktan man sya. Papaano kung makilala nya ang mga lalaking mag-papatibok ng kaniyang puso? Silang pito ba ay magpapabago ng kaniyang buhay? Magiging masaya na ba ito lagi? Isang araw, May humahabol kay Arciana kaya napag-isipan nyang pumunta sa isang pinto na kumikinang at may mga dahon dahon ito. Pagkabukas nya at pag-pasok rito bigla syang nahulog. Napapikit nalang sya habang sumisigaw hanggang sa nagising na lamang sya sa isang kakaibang mundo. Inilibot ng kaniyang mga mata ang mga paligid. Nung una ay hindi sya naniniwala akala nya ay panaginip lang ito. Pero nagkakamali sya dahil totoo ito. Totoo ang mga nakikita nya. Napapagiliran din sya ng mga mapopoging lalaki. Hindi nya alam kung ano ang kaniyan gagawin. At hindi nya alam na hinalikan sya ng mga ito isa isa. Nanlaki na lamang ang kaniyang mata at pilit nyang magsalita pero hindi sya makapag-salita dahil kinokontrol sya ng isang lalaki. Magbabago na ba ang kaniyang mundo nang makilala nya ang mga ito?