PROLOGUE Alam mo yung feeling na iniwan ka na wala man lang klarong rason kung bakit kailangan niyang kumalas sa buhay mo? Napapatanong ka nalang...sawa na ba siya sa akin? May iba na ba siya? Pinagsisihan niya kaya lahat? Pinagsisihan niya kaya na naging parte ako ng buhay niya? Tapos kung kailan handa kana umibig ulit at buksan ang puso mo. Kung anong kinawala niya na parang bula siya namang paglitaw niya na parang kabute. What if...Pagod ka na? What if... sawa ka na sa mga rasong paulit-ulit nalang niyang sinasabi. Yung tipo ng lalaki na iiwan ka na lang bigla sa ere, yung lalaking iiwan ka na lang sa pagpatak ng ulan? Handa ka bang balikan ang nakaraan? Ang nakaraang ayaw mo nang maalala, na walang magandang naidudulot kundi sakit? You'll not get what you truly deserve if you're too attached to the things you're supposed to let go off. Allow me to introduce myself. Hi I'm JANENAH MARIE DELA CRUZ. And this is my story.