Iyong tipong ang hanap mong lalaki sa apat na M ay 'Matandang mayamang madaling mamatay' na mag bibigay sa'yo ng maraming pera. Ngunit ang nabingwit mo ay 'Matipunong mayamang mapaglaro at mayabang' na higit pa sa pera ang kayang ibigay sa'yo... Swerte nga ba o malas? Lalo na kay Sol, na iwas sa pag ibig dahil mas pinili ang pagiging praktikal para sa kaniyang pamilya. Magawa niya kayang pigilan ang nararamdamang atraksyon sa lalaking handang ubusin ang lahat ng yaman niya makuha lamang siya? She thinks love is just a joke. At wala siyang mapapala roon! Ngunit sa likod ng mga kagustuhan nilang dalawa ay ang mga mapapait na sikreto at kasinungalingan na kailangan nilang itago para lang maabot nila ang kanilang ninanais sa buhay.