Si Hailey Jazlinne Mendoza ay isang simpleng babae lang na may mataas na pangarap. Nakatira sya sa bahay ng kanyang bestfriend na si Xyrille dahil sya ay isang ulilang lubos. Masaya at kuntento na sana sya sa buhay nya. Ngunit isang araw...Nawala na lang ito na para bang bula... Kasabay ng pagkawala nito ay ang pagdating naman ni Master Lomard, isang kahina-hinalang mama na tinatawag ang sarili bilang 'Master' Inirekomenda nya si Hailey sa isang university. University na puro duda lang ang dadalhin sa ulo nya. Isa ding kahina-hinala. Isang pribado at sikretong unibersidad na hindi nya akalaing may koneksyon sa kanya. Dun nya nakilala si Maxwell Xenon Lopez. Ang naging shield nya. Ang bulletproof nya. Ang one and only knight nya.....at ang nagpatibok sa puso nya.