Bata pa lang malaki na ang inis ni Kat sa kababatang si Cole. Paano ba naman lagi siyang tinutuksong patpat dahil sa kapayatan. Kaya naman isang araw ng asarin ulit siya nito nangako siya na magkakalaman at magiging model na dapat nitong abangan. Ang kaso iyon din ang huling araw na nagkita sila. Paano si Cole umalis na papuntang America. Pero kahit ganoon itinuloy niya ang pangako niya dahil alam niya isang araw makikita nitong hindi na siya si KatKat ang kababata nitong payat.