HABANG nalulula pa sa sakit nang panibagong betrayal ng lalaking kanyang pinakamamahal, lumayo si Natalie kay Rico dala ang kanilang anak para malaman kung ano ang kanyang gagawin. Dahil may mga bagay na hindi kayang takpan ng pag-ibig -- gaya ng pagtitiwala at pananalig. LUBOS na nauunawaan ni Rico ang dahilan kung bakit siya iniwan ni Natalie, at bulag niyang sinunod ang kahilingan nitong mabigyan ng distansyang makapag-isip. Pero ang pagkawala nito sa kanyang tabi ay parang sakit na nagnanaknak sa lahat ng sandali, at ang takot na maaaring hindi na maibalik pa ang dati ngayong nasa liwanag na ang katotohanan ay nakapagpapabaliw sa kanya. Samahan sina Rico at Natalie habang hinahanap nilang muli ang daan pabalik sa kung saan sila nagkilala, noong ang tunay na mga mukha ay natatakpan pa ng mga maskara at ang kumpisal ng katotohanan ay wawasak sa ilusyon ng kaligtasan. Noong naliligaw pa sila sa kawalan, at ang tangi nilang nakapitan ay ang pag-ibig na natuklasan nila sa piling nang isa't isa...