Umaasa si Hydee na balang araw ay makakaharap n’ya rin sa personal ang misteryosong lalaking madalas laman ng kanyang panaginip. Maririnig n’ya rin ng maayos at malapitan ang kaibig-ibig nitong tinig.
Hindi man n’ya totally aminin, pero alam ng kanyang puso na unti-unti na s’yang umiibig dito dahilan upang iguhit n’ya ang mukha nito base lamang sa kanyang imahinasyon. Isang lalaking siguradong pagpapantasyahan ng lahat.
At gano’n na lang ang kanyang pagka-windang nang makita at makausap n’ya sa personal ang lalaking nagtataglay ng mukhang iginuhit n’ya. Sobrang happy n’ya ng ligawan s’ya at maging nobya nito.
Tila ba wala na s’yang mahihiling pa... mabait, mapagmahal at sobrang g’wapo pa ng nobyo n’ya.
Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana... sa paglipas ng araw, unti-unti n’yang nararamdaman na tila ba umiibig s’ya sa iba...All Rights Reserved