Si Ramon ay walong taon at Grade 2 sa elementarya, at sa kanyang murang edad at musmos na isipan, ramdam na niya ang hirap ng buhay....Kahirapang paulit ulit na nangyayari sa kasaysayan ng ating panahon sa mga batang dukhang katulad ni Ramon..... Inilimbag ko ang kasaysayang ito dahil, gusto kong magtanong, umasa, mangarap at humingi ng awa at tulong sa Diyos na huwag ng mapahamak pa ang mga batang katulad ni Ramon....Kasaysayang nag-ugat sa hirap at pakikibaka sa buhay na kung saan ang "TAMA" ay nagiging mali at ang mali ay pinipilit maging "TAMA". Ginamit ko ang paraan ng panulat sa isang kasaysayang minsan pang bubuklat sa aklat ng katotohanan na kailanman man ang masama ay di nagbubunga ng mabuti at ang mabuti ay di aani ng masama....