Sa paglipas ng panahon,natutuhan ko na ang pag-ibig ay isa lamang kasalanan. Kasalanan na kailanman ay hindi mo matatakasan. Sapagkat sa oras na mahuli ka nito,hinding-hindi ka na makakawala pa. Iba't ibang uri ng pagsubok na ang kinaharap ko. Ilang tao na rin ang nasubukang wasakin ang puso ko. Ngunit alam ko na sa pagkakataong ito,iniba mo ang buong pagkatao ko. Pagkatao ko na kahit kailan,hindi inaasahan makita ng isang gaya mo. Tutukan,saksihan at magulat sa takbo ng iyong buhay. Ang mga bagay na hindi mo inaakalang mangyayari ay magaganap ng wala kang kamalay-malay. Ano ang pipiliin mo? Lumaban o Sumuko?