Kagaya niya, tumitig ako sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Nakakalat ang mga bituin. "Miss na miss ko na siya." Napalingon siya sa akin, kaya tumingin din ako sa kaniya. "Masaya ka ba?" Napangiti ako, "Oo naman. Sobra. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin at sa aming dalawa, nagpapasalamat pa din ako sa Panginoon. Ang swerte swerte ko pa din." He whispered, pero sapat na iyon para marinig ko ang sinabi niya. "Ang swerte ko din, Nalica."