Nabubuhay si Jade kahit wala siyang pamilya. Paano? Kasi nang mamulat sya sa mundo lahat ng pangangailangan nya ay nasa loob ng kanyang tahanan. Lahat. Lahat. Naiisip nga nya kung sino ang nag aaruga sa kanya nung bata pa lamang sya ngunit di na niya ito maalala. Sa loob ng kanyang bahay, may kaisa-isang pinto na kakaiba. Mula sa kulay Lila na nakapalibot dito hanggang sa mga nakasulat dito na Hindi nya maintindihan. Ngunit isang araw may narinig syang kalabog na nanggagaling sa pintuang iyon, hahayaan nya na lamang ba ito? O, papasok sya dito kahit di nya alam kung anong nasa loob?
1 part