Kumpleto na ang buhay ko, ikaw nalang talaga ang kulang. I promised that I will remain faithful to you remember? Seryoso ako nang manumpa ako sa harap mo at ng Diyos. Araw-araw, saan man ako magpunta daladala ko iyon dito sa puso ko, ganoon kasi kita kamahal.” Isang kilalang modelo si Ivo samantalang isa namang eksperto sa dugo si Jane. Kontento na si Jane sa paggawa ng kanyang research at ang pagiging fan ng isang Rock band. Nang minsang bumisita si Jane sa Midnight Club kasama ng dalawang kaibigan ay na-meet niya ang ilang miyembro ng paborito niyang banda. Pero may problema, pagpasok kasi niya sa isa sa mga pribadong kuwarto sa club ay mga lalakeng umiilaw sa dilim ang mga mata ang nakita niya...