Isang tago, payak at tahimik na baryo ang Baryo Sapian. Hanggang ang katahimikan nila ay nabulabog. Isang sakit ang kakalat sa maliit na bayan na iyon. Ginagawa nitong bayolente ang kung sino man na magkakaroon nito. Nananakit, naninira at pumapatay! Para bang nasisiraan sila ng kanilang katinuan. Sakit na magiging suliranin ng mag-asawang Nenita at Danilo. Hindi kaya mas lalo silang mabaliw oras na malaman nila ang puno't dulo ng sakit na kumakalat sa Baryo Sapian?
21 parts