Sa mahigit pitong bilyong tao sa mundo ay may isang nakatadhana sa iyo. Paano kung ipinakilala kayo ni tadhana sa maling pagkakataon? O kung yun yung sa tingin niyong nangyari. Si Piper at Lucas na pareho namang nasa masayang relasyon nung pinagtagpo sila ng tadhana sa isang maling pagkakataon. Isa-sakripisyo ba nila ang lahat ng meron sila ngayon para bumuo ng panibagong mga alaala o pipiliin nalang nilang manatili sa kung nasaan sila at subukang maging masaya?