Alam kong para sa akin ang mga bulaklak na yon, alam ko. May kung anong kirot sa puso ko, parang tumatagos sa pisikal. Kung para sa akin nga ang mga iyon, ito ang pinakaunang beses na aalayan niya ako ng bulaklak. At kung ganon nga, maaaring may nararamdan din siya sa akin, gaya ng nararamdaman ko sa kanya. Marahil ay dapat akong maging masaya, dahil may pagtingin nga rin siya sa akin. But that is so unfair. Pagkatapos ng lahat ng sakit? Ang lahat ng sakit, mapapawi lang ngayon? Kailangan kong umalis. Kailangan kong hindi tanggapin ang mga bulaklak. Kailangan ko siyang huwag tanggapin. At least, ngayon, kahit minsan man lang, masaktan ko din siya