Ang kapatid nitong si Deon ang palagi niyang kasangga sa bawat kalokohang ginagawa niya. Sobrang malapit ang dalawa sa isa't-isa pero lahat ng iyon ay nagbago ng mawala ang kapatid nito. Hindi nila matukoy kung ano ang totoong nangyari sa biglaang pagkwala ng kapatid. Lumipas ang mga taon, namuhay siyang wala ang kapatid hanggang sa isang araw,may nagpakilalang binata at sinasabi nito na siya si Deon,ang kapatid ni Dominique. At doon na nagsimulang magulo ang tahimik niyang buhay. Paano kung sa nagdaang mga taon ay wala ang kapatid ay may munting damdamin ang mabuo sa pagitan nila? Damdaming hindi pa niya nararamdaman sa kung sino man...