✨MONTEVISTA SERIES 3 ( Osman Montevista)✨ Pinagtagpo ng tadhana sa kabila ng kakaibang sirkumtansya. Isang lalaking duguan ang natagpuan ni Sanya Midel kasama ang kaibigan. Noong una ay inakala niyang isa iyong modus operandi kaya habang bit-bit ang balisong ay nilapitan niya ang lalaki. Naliligo ito sa sariling dugo at humihingi ng tulong. Dinala niya ang estranghero sa isang pribadong ospital kung saan doctor ang kababata niyang si Renai-Lihim niyang sinisinta. Akala niya ay hanggang doon na lamang ang responsibilidad niya sa estrangherong tinulungan. Subalit sa kakatuwang pangyayari, ay wala itong ma-alala sa nakaraan nito. Sa huli ay kinukop-kop at binigyan ng pangalan. Hanggang sa huli, hindi na niya namalayan na pati ang puso niya ay naibigay na rin pala niya rito. Maari bang mahalin ang lalaking nawalan ng ala-ala? O maari ba'ng magmahal ang lalaking nawalan ng ala-ala sa nakaraan?