Amadeo Brotherhood Series #1 Nasa highschool si Amanda nang una siyang magkagusto kay Tristan Shilloh De Alba. For her, Tristan is like the stars, makinang ngunit hindi naaabot. Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang upang ibigin niya ang lalaki. Amanda gambled everything for this De Alba-including her heart, and swore to love him for always. Ipinangako ni Amanda na mamahalin niya si Tristan anumang mangyari. Kaya nang minsang mapagbigyan ng langit ang kaniyang hiling, hindi siya nagdalawang-isip pa. Ibinigay niya ang lahat kay Tristan. At doon napatunayan ni Amanda na masama nga ang sobrang pag-ibig... Because Tristan De Alba finally looked at her. Finally. He noticed her. He laid eyes on her longing heart. Ngunit paano kung patikim lamang ang lahat at simula pa lang iyon ng mas ikadudurog ng kaniyang puso? Mapapanatili nga kaya ni Amanda ang ipinangakong pag-ibig kay Tristan? And can she really keep her promise to love him endlessly when he is too high-and too far like the stars?