"Lumaki akong kumpleto ang pamilya, masaya, kahit na mahirap kumpleto kami. Sama-sama kami sa lahat ng problema at saya...pero nagbago ang lahat ng unti-unti silang nawala." ______________________________ "Sabi nila masama daw ang pumatay. Kung may hinanakit ka o galit ay huwag ka parin mananakit. Paano kung sukdulan na ang lungkot na hatid? Hahayaan mo ba ang sarili mong pumatay at manakit para sa taong walang kasalanan at nadamay lamang?" ______________________________ Dalawang tao na ipagtatagpo. Magkaiba ang prinsipyo sa buhay. Salungat ang paguugali. Hustisya laban sa paghihiganti ng isa. Sino ang magpaparaya? Ang pumapatay o ang namatayan? Paano kung nagmahal ka sa maling tao? Paano kung nagmahal ka sa maling panahon? Paano kung ipinagtagpo kayo sa maling oras? ipaglalaban mo ba siya? Dalawang taong ipinagtago ngunit hadlang ang lahat. Hanggang saan ang kayang mong isugal para sa taong mahal mo? THE DEMON'S LOVE 3/6/19