"Huwag! Tama na!" sigaw ni Ken. Isang putok. Amoy ng dugo kasunod ang matinding sakit na naramdaman nya. Isang liwanag ang bumulag sa kanya bago sya nawalan ng malay. Nagising si Ken na napabalikwas sa higaan nya. Bumalik na naman sa isip nya ang bangungot na iyon. Hanggang ngayon ay binabagabag sya ng pangyayaring iyon. Isang insidenteng hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin malinaw. Siya ang nag-iisang nakaligtas sa insidenteng iyon at hanggang ngayon ay misteryo sa lahat kung bakit o paano.