[Completed] Sa mahiwagang mundo ng Illunor, kung saan ang mahiwagang enerhiya ng magicules ay ginagamit sa pagpapamalas ng abilidad at mahika, ang ranker na si Allastor ay nakararanas ng dehadong sitwasyon. Dahil barado ang kaniyang magicule-vein, ang bilang ng kaniyang magicules ay limitado lamang din, dahilan upang maging mas mabagal ang kaniyang pag lelevel-up kumpara sa ibang mga rankers. Dahil sa matinding pagnanais na maghiganti, ang nakaraan ni Allastor ay palaging hinahabol ng madilim na ala-ala ng hindi kilalang hukbo ng mga rankers. Ang mga ito ay hindi lamang pinatay ang kanyang mga magulang, dinukot din ng mga ito ang kanyang nakababatang mga kapatid. Dahil sa determinasyon na ibunyag ang katotohanan sa likod ng trahedyang ito, nagsimula si Allastor sa isang paglalakbay upang palakasin ang sarili at hanapin ang hustisya para sa kanyang pamilya. At habang patuloy ang ang pakikipagsapalaran ni Allastor sa mapanganib na mundo ng Illunor, kailangan niyang ibigay ang lahat at higitan ang kaniyang limitasyon upang makatagal. Sa bawat laban at ingkuwentro, natutunan niyang gamitin sa mas maayos at malikhaing paraan ang kaniyang Magicules. Ganoon man, hindi pa rito natatapos ang lahat, sapagkat sa likod ng hindi kilalang hukbo, isang makapangyarihang namumuno ang nag-aabang sa kaniyang pagdating.